Chryster D. Tabora (Author)
Abstract
Bawat etnikong pangkat ay mayroong sariling pagkakakilanlan, aydentidad, tradisyon, kaugalian, paniniwala, gawi o kilos na siyang nagsisilbing lundayan upang maipakilala ang kulturang kinagisnan. Dito mahihinuha ang pamanang yaman ng ating mga ninuno na nagsisilbing salamin upang hindi natin kalimutan ang buhay na kinamulatan mula sa mga simbolo, salita, pahayag, mensahe at iba pang salik na naging instrumento ng pagkakaisa at pagkakaunawaan. Nilayon din ng pag-aaral na ito na masuri ang mga konseptong nakapaloob at implikayon ng palanos sa mga kabataan ng Mangali, Tanudan, Kalinga. Ginamit din ang palarawang deskriptibo na ang pokus ay ang konseptong pangnilalaman sa pagsusuri. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang konseptong nakapaloob sa mensahe ng palanos ay kinapupulutan ng magagandang aral at mga payo na siyang nagiging tanglaw sa mag-asawa upang palakasin at patatagin ang kanilang pagsasama. Ngunit sa kabila nito ay nagkakaroon ng hamon sa palanos lalo na kung ang pag-aasawa ay nahaluan ng ibang etnikong pangkat o nakapag-asawa sa ibang lugar dahil pwedeng hindi maisagawa ang pag-uugaling ito at ninanais ng makabagong henerasyon na idiretso ang kanilang kasal sa simbahan upang hindi doble doble ang magiging gastos. Kaya’t nirerekomenda na dapat ingatan, pahalagahan, paunlarin, at lalong palawigin ang kulturang kinamulatan sa pamamagitan ng pagganap sa mga etnikong gawain upang hindi ito mawala o kaya ay maibaon sa limot. Kinailangan ding i-dokumento, bumuo ng aklat, gumamit ng social media, at iba pang mapanuring pamamaraan sa pagprepreserba at pagpapanatiling buhay ang kulturang kinabibilangan.
Read the full text here.
Keywords: Implikasyon, Kasal, Konsepto, Palanos